Saturday, March 12, 2016

TECH QUESTION : Saan/Paano makakabili ng abot-kaya at kalidad na Gadgets / PC Parts sa Pilipinas?

(TECH QUESTION: Where/How to buy cheap and quality assured Gadgets / PC Parts in the Philippines)
https://imgflip.com/readImage?iid=24163830
Kung tatanungin mo ang pangkaraniwang Juan mostly the  answers would be:
Sa Gilmore tol, kasi dun bagsakan ng mga pc parts at murang gadgets, syempre bagsakan dun kaya malamang mura yun. Saka dikit – dikit stores dun makakahanap ka agad ng gusto mo.”
Sa Mall nalang pre, kahit mahal atleast assured ka na original yun diba? Yung iba kasi kaya mura ay dahil  Fake or Class A.”
“Tingin ka muna reviews online kapatid, kung saan mataas ang ratings dun ka bumili.”


May point ang lahat ng opinion nila pero mas maganda kung susuriin ang bawat sagot to come up with your own opinion. Buying things usually sums up to these perspectives:
BUILD AND QUALITY
Be a keen observer! I personally suggest na kapag bibili ka ng isang produkto dapat makita mo siya ng harapan.(So ibig sabihin bawal nang bumili ng gamit Online? Hindi naman)  Pero mas maganda kung nasusuri mo muna siya lalo na kung ayaw mong mag aksaya ng pera, may mga bumibili online na satisfied at meron ding hindi.
May mga kakilala ako na bumili ng gamit online at pagdating sa ay may mga kulang na parts or may damage talaga or minsan hindi talaga yun yung binibili nila! Be aware of what you purchase online, because sometimes they are not what they actually appear. Atsaka hindi ko nilalahat, pero yung ibang Shipping o Courier companies dito sa Pilipinas ay may pulpol na serbisyo! Yung iba walang pakialam sa mga gamit, basta basta nalang ibinabato sa mga bodega or kung saan saan, buti sana kung mura yung mga gamit. Hays
Pag naman personal mong tiningnan yung mga gamit na binibili mo atleast mapapanatag ka na yun talaga yung gusto mo. (so ito na ba agad ang best option?) Dapat maging mapanuri pa rin, sa dami nang naglipanang Class A at Fake dito sa Pilipinas, di mo na masabi ang fake sa orig kasi mukhang original na rin talaga. Kahit yung mga nasa bangketa premium build na rin!
Unang-una wag kang mag Impulse Buy para maiwasan ang pagsisisi, researching should come first before buying, usually 1 week period bago ka bumili, mag research ka muna kung pano mo madidiferentiate ang peke sa orig, sa mga kilalang blogs or groups and pages sa facebook, walang masama sa pagkakalap ng impormasyon, natututo ka pa nang mga do’s and don’ts sa pagbili. Saka pag sa pagbibilhan ka nagtanong, malamang walang sasabihing negative yun about sa product nila, bagkus ippromote pa nila yun, yung iba gusto lang talaga makabenta at umabot sa kota!


DO YOU EVEN CANVASS BRO?


Eto ang masaya, kung talagang eager ka, personal kang pumunta at magtanong sa mga stores. Ang teknik ko dito ay umaasta lagi ako na parang bibilhin ko na yung produkto nila. (HAHA! Natawa lang ako ewan ko.) Sa ganitong way kasi sa kagustuhan nung ibang sales rep na makabenta, ay nagbibigay na sila nang mga discount, bundles at promo. Saka yung ibang stores iba ang pricing depende sa mode of payment (checks, credits, cash, etc.). Minsan kasi kung hindi ka aware sa mga LastPrice/Discounts/Promo nila ay hindi nila un sasabihin hanggang sa parang bibilhin mo na yung item. (gets?) So act para makuha mo ung last price, tapos pag nakuha mo na lipat ka sa ibang store and repeat process, in the end makakapagdecide ka na kung san ka makakamura talaga.


ONLINE SUPPORT
Yung ibang stores ay may magagandang online  support rin naman. Para makatipid ka sa pamasahe, may chat, email, text at call naman na pwede mo ring gawin sa pagcacanvass, pero pag kasi online ay walang facial expression, so mahirap mag makaawa para sa discount!


AFTER SALES
Ito ang pinakamahalaga sa lahat, yung ibang stores kasi wala na silang pakialam basta makabenta na sila, yung iba mahirap nang kausapin tungkol sa warranty, replacement, etc.  Nasa tao na kung saang store ka mag titiwala, better to read reviews at personal experiences ng ibang buyers about sa mga stores. Syempre hindi rin lahat ng mababasa mo online ay totoo, maaring ang nababasa mo ngayon dito ay hindi rin totoo . Yung ibang mga negative comments (usually in TPC) ay mapanirang comments lang din, so i-analyze nang mabuti ang mga pinaniniwalaan. Ang TipidPC.com ay isang napakagandang website kung talagang gusto mong makahanap ng mura at kalidad na produkto, may reviews din ng mga positive at negative comments, bahala ka nang magbasa dun. (hindi ako may ari ng TipidPC or associated in anyway, nabanggit ko lang kasi halos lahat ng marunong bumili na nakakilala ko ay dun muna nagtitingen for solid information)


LAHAT NANG NAKASAAD DITO AY SUGGESTION KO LANG NAMAN. DI KO PA LAHAT NABANGGIT, WILL BE POSTING AN UPDATE SOON!

Related Articles

0 comments:

Post a Comment